larawang hindi kumukupas

larawang hindi kumukupas
lahat ng problema ay may solusyon

Pages

Wednesday, February 9, 2011

Lahat ay may K!


Lahat ay may K!
farimz

Bakit nga ba ako narito?
Katanungang naglalaro sa isip ko
Na kahit ako mismo
Sagot ay hindi matanto.

Bakit nga ba niyakap ko?
Kahit damdamin ay hindi sigurado
Mga payo ng kaibigiga’y binalewala ko
Pagsisi tuloy ang inabot  ko.

Sa abot ng pagdadalawang-isip
Tumpak na sagot ay hindi masipsip
Kahit anong pili
Sagot ay hindi talaga masungkit.

Kalimita’y sa sobrang sakit
Hindi ko mapigilang umawit
Pluma’t papel ang bitbit
Damdami’t isipa’y kinakalabit.

Pero kahit ito ang nararamdaman
Ngiti at taawanan ng   mga kaibigan
Sa kalooba’y nagpapagaan
Kaya sulirani’y nabubura paminsan-minsan.

Unti-unti’y katotohana’y natanggap
Sinadya siguro ni Bro na ako’y narito
Marami kasing nangangailangan ng tulong ko
Ituro nang tama ang asignaturang Filipino.

Isipin nalang mabubuting napulot
Sa pagkakataong naidulot
Na ako’y narito’t nagpapatuloy
Sa laba’t pagkakataong dumadaloy.

No comments:

Post a Comment