larawang hindi kumukupas

larawang hindi kumukupas
lahat ng problema ay may solusyon

Pages

Wednesday, February 9, 2011

Itago, huwag!


Itago, huwag!
farimz
Ayokong magsisi
Dahil nagsasalita ang sarili
Pero kahit anong pilit
Ako pa rin ay namimilipit
Sa dinadalang sakit.

Napakabigat ng dibdib
Hindi ko alam kung bakit
Isa lang ang nasa isip
Dahil sa desisyong hindi maisip
Kung bakit iyon ang naisip.

Pagsisisi nga ay nasa huli
Huli na kung ikubli
Wala na tayong magagawa
Na orasan ay sirain pa
At ibalik ang nakaraan na.

Kailangang mga pangyayari ay tanggapin
Mga pagkakaon ay yakapin
Para lubos na mahilom
Ang puso’t isipan na nabaon
Kailangang bumangon.

Isigaw sa mundo
Para gagaan ang damdamin mo
Para iwas sakit at pighati
Ito nalang ay ating ingiti
Para problema ay magbigti.

1 comment:

  1. marunong ka din ba gumawa ng kanta? nagustuhan ko ang panghuling linya mo..

    Ito nalang ay ating ingiti
    Para problema ay magbigti.

    suggestion : try mo mag experiment ng ibang style sa paggawa ng tula.

    ReplyDelete