Surprays!
Farimz
Lahat ay nagulat
Nang kami ay tumayo’t nagpasikat
Sila ay napakagat
Dahil sa nakitang pagkakalat.
Pagkakalat ng kahusayan
Na medyo matagal din naming pinaghandaan
Mabuti’t nagustuhan
Kaya panay ang kanilang sigawa’t palakpakan.
Palakpakang ‘di mapapantayan
Ligayang ‘di pangkaraniwan
Kahit sa maikli naming handog
Lahat ay napatalbog.
Napatalbog dahil sa pagkamangha
‘di kasi sila makapaniwala
Na aming maipapakita
Talentong hindi makakabagot at makakasawa
No comments:
Post a Comment