Pagod na Ako?
Farimz
Pilit kong kinalilimutan ang nakaraan maiwasan
Para sakit ay ay maiwasan
Pero kahit taon na ang nagdaan
Parang lahat ay kahapon lang.
Bakit hindi mabura sa aking isipan
Mukha mo pa rin ang nailalarawan
Mga pagkakataong tayo’y nagtatawanan
Sariwa pa sa aking isipan.
Ano bang mayroon ka
Na wala sa iba
Hindi ka naman mukhang artista
Kagaya ng ultimate crush kong si Aga.
Medyo nakaktulong din
Ang hindi mo pagpansin
Pero bakit hindi ko maamin
Na ikaw ay tuluyan nang limutin.
Napakasakit talagang isipin
Na ako’y hindi mo na pinansin
At napakahirap tanggapin
Palaging nasasaktan ang aking damdamin.
Kung hindi man tayo para sa isa’t isa
Noon pa ma’y tanggap ko na
Pero dalangin ko lang sana
Na mga ala-ala sa damdami’t isipa’y matunaw na.
Buhay ay ipagpapatuloy ko
Alam kong marami pang lamang sa’yo
Mas mabait pa at gwapo
Handa pang ipaglaban ako.
Pagod na ako sa kaiisip sa’yo
Kaya po Dios ko
Tulungan N’yo po ako
Na maglaho na s’ya sa isip ko.
No comments:
Post a Comment