larawang hindi kumukupas

larawang hindi kumukupas
lahat ng problema ay may solusyon

Pages

Sunday, February 28, 2010

Paglalakbay

Paglalakbay
farimz

Sa paghahanda ako ay abala
Sa lugar na malayo pupunta
Aalis na mag-isa
Kasi walang gusting sumama.

Nagpaalam sa mga kakilala
Para hindi sila mag-alala
Baka sa pag-alis ko sila ay mabalisa
Ayokong madagdagan pa ang kanilang problema.

Ang paglalakbay ay sinimulan
At nagtungo sa ibang bayan
Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman
Hindi ko kasi ito nakasanayan.

Sa aking paglalakbay
Takot, kaba’t, ligaya ang nadarama
Pero sa kalaunan
Nararamdaman ay nakalimutan.

Hanggang may nakasalubong ako sa daan
At kami ay naging magkaibigan
Nahulog ang loob sa isa’t isa
Kaya’t nagkasundong magsama.

Sagana sa buhay ay nakamtan
Wala na ako sa dating kinalalagyan
Ako ngayo’y may katanungang nabuo sa isipan
Babalik pa ba ako sa pinanggalingan?

No comments:

Post a Comment